Martes, Hulyo 29, 2014

Kahalagahan ng Pamilya sa Isang Matagumpay na Indibidwal



Pamilya ang itinuturing na pangunahin at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan. Sa loob ng pamilya nagmumula ang isang indibidwal na may magandang asal, may maayos na pangagatwiran at pagpapasiya, may pagmamahal sa kapwa at may takot sa Diyos.

Ipinagmamalaki ko na ako'y galing sa isang mabuting pamilya. Sila ng nagmulat sa akin sa mga mabubuting gawain. Ang aking pamilya ang siyang pinanggagalingan ng pag-asa at lakas laban sa pang araw-araw kong pakikipagbuno sa mga suliranin. Turo sa akin ng magulang ko na lagi kong pagbutihin ang aking pag-aaral upang magkaroon ako ng maganda at maayos na kinabukasan at kahihinatnan. At bilang ako ang kanilang anak, tatanawin ko itong isang malaking utang na loob sa kanila.

Alam ko sa aking sarili na may tungkulin akong dapat gampanan bilang isang anak. Iyon ay ang paglingkuran ang aking mga magulang sa oras na ako'y may maayos nang trabaho at kinatatayuan. Layunin kong bigyan sila ng maganda at komportableng pamumuhay na alam ko'y minsan lang nila maranasan dahil araw-araw silang naghahanap-buhay para sa pag-aaral namin ng aking kuya.

Napalaki at napakahalaga ng gampanin ng isang pamilya sa paghubog sa isang tao. Sila ang nagsilbing unang guro, ang tagapag-taguyod ng pagkatao at siyang inspirasyon upang maging malakas ang loob para harapin ang kahit anong suliraning ibato sa atin ng buhay.